top of page
Writer's picturemommy writes

Mga Paraan Upang Makatipid Bilang Isang Ina

Maraming mga mothers ang gustong magtrabaho pero dahil sa personal na kadahilanan hindi nila magawa. Bilang isang full-time wife, gusto natin na kahit papaano makatulong sa asawa natin. Maliban sa budgeting at meal planning, may mga ibang paraan upang makatipid tayo.


1. Pagsali sa 'free' raffles.

Nasabi ko na free kasi iba ito sa mga paid raffles na kelangan mong bumili ng ticket. Free siya kasi hindi mo na kelangang bumili ng ticket. Kelangan mo lang bumili ng products nila. Maraming mga big companies ang nag-aalok nito. Para sa akin, okay lang naman ito kasi gagamitin ko rin naman ang nabili ko (manalo man o matalo sa raffle). SKL,

isa sa mga sinalihan kong raffle ay ang pa-raffle ng Golden Fiesta. Palm oil din naman ginagamit namin sa pagluto kaya sinubukan kong sumali sa raffle. Sa bawat bili ko ng Golden Fiesta Palm Oil, nakakuha ako ng 20 o 50 gcash credits. May isang beses lang na wala akong natanggap. Mapalad din ako kasi isa ako sa mga nabunot na makakatanngap ng 5k. Alam ko hindi lahat ay mapipili pero wala namang masama kung susubukan niyo. Ongoing pa rin ang raffle nila hanggang last day ng September 2024. Try niyo bka isa rin kayo sa mga mapipili.





2. Pakinabangan ang free delivery at coins ng shopee at lazada. Mahilig ka rin bang mag shopee at lazada? Araw-araw kong pinipindot yung 'earn coins' sa app. Kahit pakunti-kunti may naiipon ako na pwedeng ibawas sa mga online orders ko. Napansin ko rin na may mga parehong products na magkaiba ang presyo sa app kya pinagkukumpara ko muna bago icheckout. Inaantay ko rin ang free delivery promos nila.


3. Barter. May mga gamit ka ba na hindi mo na kelangan? Pwede mo ibarter sa gamit na kelangan mo. Sabi nga nila, "one man's trash is another man's treasure." Win-win situation. Nabawasan ang 'kalat' sa bahay nyo at sa bahay ng kabarter mo.


4. Ibenta ang mga preloved items. Pwede ka rin bumili ng preloved. Mas mura pag bumili ka ng preloved. Siyempre may mga pagkakataon na mas okay pa rin ang brand new kaysa sa preloved.


5. Kusang loob na mag share sa iba. Kung tutuusin, parang hindi ka makakatipid kapag nag share ka. Based on my experience, mas lalo akong blessed kapag ako ay nagbabahagi sa mga nangangailangan. Naniniwala ako na nabibiyayaan ang nagbigay at tumanggap.


Ano pa mga paraan upang makatipid? Share niyo naman mga mommies.

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page